reymos

Mabuhay…Tuloy po kayo!

In Uncategorized on Nobyembre 22, 2009 at 1:25 umaga

Mabuhay po kayong lahat!Mabuhay ang Pinoy

Sino ba ako? Saan ako ipinanganak? Sinu-sino ang aking mga kaibigan at saan-saang pook na ang aking narating? Ano ang aking pangarap sa buhay at bakit ginusto kong mangibang bansa?

Ano ang aking mithiin sa buhay at bakit madalas akong wala sa aking sariling bansa? Sabi nila ako raw ay ‘lagalag’ – madalas wala sa bahay o hindi namamalagi sa isang pook!

Maraming tanong na dapat kong sagutin sa mga susunod na mga araw… mga sagot na magbibigay linaw sa aking katauhan at sa mundong aking kinagagalawan.

Simpleng tao lamang ako at may simpleng pangangailangan sa buhay. Marami na akong pinagdaanan sa buhay na maaari kong ipagmalaki sa lahat at taas-noo kong isalaysay sa inyo.

Masarap mamuhay at lumagi dito sa mundo lalung-lalo na kapag galing ka sa malaki at di marangyang pamilya. Mahal ko ang aking mga magulang, mga kapatid at mga kamag-anak. Sila ang dahilan kung bakit ako’y lagalag!

Samantala, ito ang aking ‘slogan’ at sana’y magustuhan ninyo ring basahin.

Ang KAHAPON ay mabuting pook na puntahan, at ang NGAYON ay lalong magandang pook na lumagi, ngunit ang BUKAS ay mas higit na magandang pook na marating.

Maraming salamat po at sana’y maging bahagi po kayo ng aking blog at maging masugid na panauhin ng Sining @ Kultura. reymos

Ang gumagalang,

Rey Ramos

(aka reymos)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: