reymos

Tayo’y mga Pinoy…Ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Filipino

In Uncategorized on Agosto 23, 2009 at 11:43 hapon

Philippine Flag buttonBUWAN NG AGOSTO, IPINAGDIRIWANG NG BANSANG PILIPINAS ang Buwan ng Wika. Dati-rati ito’y tinatawag nating Linggo ng Wika, subalit sa mga nakaraang taon, ang ating pamahalaan ay naglunsad ng proyekto na gawing ito sa buong buwan ng Agosto ipagdiwang ang ating wikang Filipino (Pilipino). Ako’y mapalad na matuto ng Filipino o sabihin natin, Tagalog (dahil nga wala naman talagang pagkakaiba ang mga ito) sa murang isipan. Tagalog kasi ang gamit ng ating mga kakababayan sa bahagi ng Luzon at karatig pook nito na isa sa mga salitang lokal (dialect).

Noong bata kasi ako, madalas kaming pumunta sa Maynila kasama ang aking minamahal na Lola! Kaya hindi ako hirap magsulat o magsalita ng Filipino o Tagalog. Siyempre, may kaunting “accent” o punto ng Bisaya (Hiligaynon) ngunit hindi ako nahihiyang sabihin na galing ako sa lalawigan ng Romblon. Madalas kasi sa paaralan (kolehiyo), paggaling ka sa malayong lalawigan o probinsiya, pinagtatawanan ka dahil nga ang pagbigkas natin sa mga salita ay “matigas” o kaya ‘yong matigas ay ginagawa nating malambot. Halimbawa, tulad ng pangalang “Che-che” – bibigkasin nating ng “Chi-chi”, kaya naman ang “pogi ni Tonton” ay naging ang “poge ne Tuntun”!

Hindi hadlang ang pagiging Bisaya para gamitin ko ang Filipino at ipagmalaki na ako ay isang Pinoy. Alam ko, may mga kakababayan tayong madaling mamintas tungkol sa mga gawain ng kapwa. Magtatanong kayo – kung ako’y Pinoy bakit hindi ko gamit ang wikang ito sa aking pagsusulat sa aking “blog”. Ingles ang gamit ko dahil alam ko maiintindihan rin ng ating mga kababayan ang mga salaysayin rito. baler-poster-final-jpg-1

At hindi lamang sa mga Pinoy ang dahilan kung ako’y nagsusulat, ito rin ay para sa mga banyaga (foreigner). Nakakatwa dahil mas marami pang mga dayuhang panauhin ang aking blog dahil nga marami na rin akong mga kaibigan na nakikila dahil sa ” online social networking”. At higit sa lahat sa pagiging manunulat ng mga “product review sites” dito sa Inglatera ay isa ring dahilan para lumawak ang “readership” o tagasubaybay ng aking blog!

NAITANONG NINYO BA SARILI kung paano natin pinahahalagahan ang ating wika? Iisipin ninyo na mabuti pa mag-aral ng Ingles, Espanol, Latino at ano pa. Minsan, wala tayong panahon para mabigyan ng kabuluhan ang mag-aral ng ating sariling wika. Sige nga, tingnan natin kung talaga namang magaling kayo at hindi ninyo pa rin nakakalimutan gamitin ang tamang Filipino tugma or hango sa salitang Ingles.

Bilang munting alay ko sa pagdiriwang ng ating Wikang Filipino, inanyayahan ko kayo na maglaan ng kaunting oras para sagutin ang isang daang salitang Ingles at hulaan ang tugmang sagot o kahulugan nito sa Filipino.

Basahin ng maigi ang “Tagubilin” para malinaw na masagutan ninyo ito sa maikling panahon. Kung gusto ninyong makatanggap ng pabuya sa akin galing ng Inglatera, ipadala at ilakip ninyo ang “excel file” ng mga sagot na naglalaman ng inyong marka! Siyempre ang markang dapat na makamit ninyo para pumasa ay 75!

Dito natin mapapatunayan na talagang Pinoy tayo – sa isip, sa salita at sa gawa! PATALINUHAN 2009 . . . Babala: Huwag tingnan ang sagot! Kailangan ninyo pala ng papel at lapis… Kung gusto ninyong malaman ang sagot, gumawa ng maikling mensahe sa ibaba ng salaysayin na ito. Salamat po at mabuhay ang Pinoy, mabuhay ang Pilipinas.

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: