reymos

Ang lumang abakada ng Pilipinas

In Uncategorized on Hunyo 12, 2009 at 12:21 hapon

BaybayinNOONG NAG-AARAL pa ako sa mataas na baitang ng aming paaralan, Romblon National Vocational School (RNVS) sa Sibuyan Island, may isang malaking ‘bulletin board’ sa itaas ng pisara. Ito’y naglalaman ng mga titik ng lumang abakada ng bansa na ginamit noon ng ating ninuno (ancestors).

Para sa kaalaman ng lahat, ang Wikipedia (ang malayang ensiklopedya) ay gumawa ng pahina para isalaysay ang tungkol dito. Ayon sa pahayag ng Wikipedia, “ang Baybayin o Alibata (alam sa Unikodigo bilang Tagalog script o panitik na Tagalog) ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ito ay bahagi ng sistema o pamamaraang Brahmic (na nagsimula sa eskrito o sagisag na Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas/pagsulat ng mga titik ng isang salita, o “to spell” sa wikang Ingles.”

 Ba Be Bo B (in Baybayin)

Alpabetong Baybayin

Talaga namang mayaman ang kultura ng bansa, kaya lang di natin ginagamit sa araw-araw. Balang araw, pag-aralan ko ng husto ang mga lumang abakada at sumulat gamit ang mga titik na nabanggit sa itaas.

  1. […] Ang lumang abakada ng Pilipinas « Sining @ Kultura22 Nob 2009… to my world of Philippine Arts & Culture · Tayo’y mga Pinoy…Ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Filipino · Ang lumang abakada ng Pilipinas … […]

  2. Magandang gabi!
    Nais kong magpasalamat sa napakagandang impormasyon na nakasaad sa pahinang ito. Ako ay naging interesado simula ng marinig ko ang tungkol sa alibata. Noon pa man ay nais ko na magpatattoo at ang nais kong ipalagay ay ang pangalan ng aking mga anak. Kaugnay nito, nais ko lamang malaman kung maaari mo ako matulunhan isulat ang mga pangalan nila sa paraang alibata. Ito ang mga pangalan nila,
    Maria Sofia at Zoey Anne
    Salamat at sana ay matulungan mo ako.
    God bless?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: