reymos

Posts Tagged ‘alibata’

Ang lumang abakada ng Pilipinas

In Uncategorized on Hunyo 12, 2009 at 12:21 hapon

BaybayinNOONG NAG-AARAL pa ako sa mataas na baitang ng aming paaralan, Romblon National Vocational School (RNVS) sa Sibuyan Island, may isang malaking ‘bulletin board’ sa itaas ng pisara. Ito’y naglalaman ng mga titik ng lumang abakada ng bansa na ginamit noon ng ating ninuno (ancestors).

Para sa kaalaman ng lahat, ang Wikipedia (ang malayang ensiklopedya) ay gumawa ng pahina para isalaysay ang tungkol dito. Ayon sa pahayag ng Wikipedia, “ang Baybayin o Alibata (alam sa Unikodigo bilang Tagalog script o panitik na Tagalog) ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ito ay bahagi ng sistema o pamamaraang Brahmic (na nagsimula sa eskrito o sagisag na Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas/pagsulat ng mga titik ng isang salita, o “to spell” sa wikang Ingles.”

 Ba Be Bo B (in Baybayin)

Alpabetong Baybayin

Talaga namang mayaman ang kultura ng bansa, kaya lang di natin ginagamit sa araw-araw. Balang araw, pag-aralan ko ng husto ang mga lumang abakada at sumulat gamit ang mga titik na nabanggit sa itaas.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.